
Marahil marami parin ang nagtataka kung bakit tila hindi pumatok ang di umano ang pelikulang ginawa nina Maine Mendoza at Carlo Aquino. Kumpara sa ginawang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na naging blockbuster hit at umabot pa ng mahigit isang bilyon ang kinita.
Kung tutuusin parehong network din ang nag produce ng kani-kanilang pelikula.
Ang "Isa Pa With Feelings" at "Hello, Love, Goodbye" ay parehong ipinroduce ng ABSCBN films.
At ito rin ang kauna-unahang pelikula ng Phenomenal LoveTeam na AlDub sa Kapamilya Network at magka hiwalay pa sila.
Ang Isa Pa with Feelings ay kwento tungkol sa love story ni Gali na isang Deaf Tutor at Mara Navarro na isang architect na nabigong makapasa sa board exam.
Ang Hello, Love Goodbye naman ay kwento tungkol sa mga OFW's sa Hongkong.
Hindi kataka-takang marami ang makakarelate sa pelikula ng KathDen dahil tungkol ito sa mga OFW na naghihirap sa ibang bansa para lang buhayin ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ito ang dahilan kung bakit mas tinangkilik ang Hello Love Goodbye.
Ayon sa huling tala, nakalikom ng kabuuang kita na 43 Million Pesos ang pelikula nina Maine at Carlo.
Samantalang umabot naman sa mahigit 880 Million Pesos ($17 Million) naman ang pelikula nina Alden at Kathryn.
Source: Broze Channel
0 Comments